PublicTrending


0

Natutuwa ako, alam mo kung bakit? Matigas ang ulo ‘niyan, pati kami nilalabanan.”

Siguro nasanay na kayo sa mga umi-iyak na kamag-anak ng mga napapatay na drug suspects noh? Ibang klase naman itong kaso sa Tondo, Manila. Imbes na umiyak at maghinagpis ang kaanak ng durugista ay tila natuwa pa ang ito.

Ayon kay Lola Purificacion, hindi siya nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang pamangkin na durugista na si Alexander Cuyugan. Dahil sari-saring perwisyo na raw ang inihatid ng durugistang pamangkin niya sa kanila. Ilang beses na raw niya itong sinabihang sumuko sa otoridad, ngunit, hindi raw sila pinapansin. Habang nagsasalita si lola, mahahalata sa mukha niya na may halong gigil pa ito sa kanyang napaslang na pamangkin.

“Matagal kon pinasusuko ‘yan, ayaw sumuko. Pinadadali nila ang buhay nila. Gusto ko nang mawala siya na talaga” dagdag pa ni Lola Purificacion.

Namatay si Cuyugan sa Manuguit, Tondo, sa loob mismo ng kanyang bahay nang lumaban ito sa mga otoridad. Kasama niyang napatay ang kasamahan niyang si Jeje Reyes.

Buti pa si Lola Purificacion, hindi pinamimihasa ang pamangkin niyang durugista, samantalang, ang ilang “human rights advocates” kuno kinukunsinti ang mga salot sa lipunan.

source: ignitepinoy

Loading...

Post a Comment

 
Top