PublicTrending


0

Binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahalagang tapusin na ang mga maliliit na giyera sa bansa para mapaghandaan ang mas malaking hamon sa hinaharap.

Sinabi ni Pangulong Duterte, hindi nito masasabi kung kailan mangyayari ang giyera pero ang mahalaga ay manatiling preparado kahit sa limitadong kakayahan at resources.

Ayon kay Duterte, manalo o matalo daw ay hindi na mahalaga basta kailangang lumaban para ipagtanggol ang ating soberenya.

Sa ngayon, kabilang daw sa paghahanda ang karagdagang sundalo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at police commandos.

“Now, are we towards the future? Philippines is going to experience another spasm. When? I do not know. Sigurado? Sigurado yan. So, be prepared. Within our limited talent and capacity, we cannot really produce the missiles and things. But yung ating nalaman lang how to uhh fight the war, win or lose, wala tayong pakialam basta we fight. It will come maybe sooner than later. But we have to prepare,” ani Pangulong Duterte.

Loading...

Post a Comment

 
Top