Isa siguro sa dahilan kung bakit hindi nanalo si Senator Alan Peter Cayetano sa pagka-bise presidente noong eleksyon, ay dahil magiging mahalaga ang papel niya sa senado, para protektahan ang kampanya kontra-droga ng administrasyong Duterte.
Binanatan kanina ni Senator Cayetano si De Lima, kaugnay sa ginagawa nitong senate hearing patungkol sa mga akusasyong extra-judicial killings sa mga durugista. Ayon kay Cayetano, ang dapat daw na manguna sa senate inquiry ay isang senador na hindi “biased” at hindi “polluted”. Si De Lima ay nasasangkot sa kalakaran ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).
“Ang question ko nga 24 senators tayo, why not allow someone who is less polluted, less biased to do the investigation? Ang sinasabi ko naman hindi dapat ang chairman biased,” sabi ni Cayetano
Pinag-iisipan ni Senator Cayetano na magpapadala ng liham kay De Lima upang hikayatin itong mag-inhibit sa pagdinig sa senado. Para kay Cayetano, dalawa lang daw ang dapat pagpilian ni De Lima, maging patas sa imbestigasyon o mag-inhibit. Pinuna din niya si De Lima at CHR Chairman Chito Gascon, na sinisira raw ang imahe ng Pilipinas.
“Imbis na tumutulong si Senator De Lima at Chairman Gascon sa image ng bansa, sila ang sumisira sa image ng ating bansa. Kasama sa paglilinis ng pulis ng ating Pangulo ang ikulong ang pulis na ‘di sumusunod sa batas,” dagdag ni Cayetano.
source: Public Trending
Post a Comment