PublicTrending


0

Naghain nang reklamo ang Volunteer Against Crime And Corruption (VACC) sa Ombudsman laban kila Quezon City Mayor Herbert Bautista at sa kapatid niyang si QC Councilor Hero Bautista. Base sa report ng GMA News, reklamong dishonesty, neglect of duty at misconduct ang inihain ng VACC sa alkalde at kapatid nito. Matatandaang nagpositibo si Hero Bautista sa drug testing kamakailan lang.

Nakasaad sa reklamo, na lumala raw ang problema ng droga sa Lungsod ng Quezon dahil sa walang ginawa  ang mga lokal na opisyal dito, para labanan ang iligal na bentahan ng droga. Ayon kay Dante Jimenez ng VACC, katunayan daw ng pagpapabaya, ay ang tumaas na bilang ng mga users at pushers  sa lungsod. Nasangkot rin ang ilang opisyal ng PNP na nakatalaga sa Quezon City sa droga. Noong nakaraang buwan ay ibinunyag ni President Duterte na dawit diumano sina General Joel Pagdilao at General Edgardo Tinio sa kalakaran ng iligal na droga.

source: GMA News

Loading...

Post a Comment

 
Top