PublicTrending


0

“Let’s just do the right thing. Alam natin kung ano ang tama rito. Hindi naman tayo tinrain sa academy to do what’s wrong and illegal ”

Sa isinagawang hearing sa senado patungkol sa mga kaso ng extra-judicial killings, nagbigay ng babala si Senador Antonio Trillanes kay Philippine National Police (PNP) Chief General Ronald
“Bato” Dela Rosa, sa maaring kahitnatnan ng mga pulis sa kanilang ginagawang giyera kontra-droga.
“General, umiikot ‘yung mundo eh. Ngayon si President Duterte naka-pwesto; eh malay natin ‘yung susunod na pwesto ang prayoridad naman ay human rights at magconduct ng investigation, by then retired na kayo at buksan ang mga kasong ito, nakatiwang-wang mga pulis… Kapag binuksan ang honest to goodness investigations, kailangan properly sagutin nila. Otherwise, sila rin manangot long after commanders nila nagretire na—‘yung mga nag-guarantee sa kanila na, ‘Sagot ko kayo,’ walang mangyayari habang sila nasa pwesto. Pero hindi sila habang buhay nakapwesto,” sabi ni Trillanes

Hindi naman pinalagpas ng mga netizens ang pagpapangaral ni Triallanes kay General Bato. Ayon sa mga tao, puno raw ng ka-ipokritohan ang senador at wala raw siya sa posisyon para mangaral kung ano ang ligal at iligal. Mabilis rin na pinaalala ng mga netizens ang ginawang pag-aaklas ni Trillanes noong 2003 sa Makati.








Si Trillanes ay isa sa mga matinding kritiko ni Pangulong Duterte noong panahon ng eleksyon at siya rin ang isa sa mga namuno sa mga palpak na kudeta noong panahon ni Ex-president Gloria Macapagal-Arroyo.
Anong masasabi niyo kay Senador Antonio Trillanes?

Loading...

Post a Comment

 
Top