Binira ni Senador Allan Peter Cayetano ang ilang grupo sa media na tila pinasasama ang imahe ng Duterte Administration sa publiko.
Sa isang presentation slide, diretsahang pinuna ni Cayetano ang ABS-CBN at Inquirer sa mga inilalabas nilang mga reports. Sa isang ulat ng ABS-CBN, kinuwestiyon ni Cayetano ang pag-gamit ng salitang “OUTRAGE”. Ayon sa mambabatas, pinalalabas na may “OUTRAGE” sa pagkamatay ng mga durugista sa kabila ng suportang ipinapakita ng taong bayan sa giyera kontra-droga.

“Tignan niyo po ito. Sa ABS-CBN, OUTRAGE over extra-judicial killings. Yung OUTRAGE noh? Anong pinapalabas? na lahat na lang ng patay ay extra-judicial killings, na may outrage. Pero yung news na sa sulok-sulok na ating bansa masaya ang mga tao. Nasaan iyon?” banat ni Senator Cayetano.
Hindi rin pinaligtas ni Cayetano ang “KILL LIST” ng Inquirer, kung saan binibilang ng Inquirer ang mga namamatay na durugista.
“Dito sa Inquirer, “the kill list” ang tawag nila. During the Aquino Administration mas marami ang patay, may “kill list” ba kayo? Pero ngayon sa Duterte Administration gumawa pa kayo ng sariling niyong pangalan “the kill list”. Paano po hindi sasama loob ng ating mga alagad ng batas? Noong panahon na walang ginagawa doon sa araw-araw na patayan ay ok lang, ang tawag niyo riding-in-tandem, ang tawag niyo murder o homicide. Ngayon na may ginagawa sila, at mas konti ang patay, “kill list” ang tawag.” dagdag ni Cayetano.
source: Public Trending
Post a Comment