PublicTrending


0

Bad trip na talaga si President Rodrigo Duterte sa mga teroristang naghahasik ng lagim sa Pilipinas. Sa kanyang talumpati sa harap ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa Laos, binaggit niya kung ano ang kanyang gagawin sa mga katawan ng mga bandido grupo.

“Kita mo doon sa middle east. They even burned 20 young girls for refusing to have sex. Ano? Pag pinaharap mo ko sa ganun, alam mo kaya kong kumain ng tao. Talagang buksan ko iyang katawan mo, bigyan mo ko ng suka at asin, kakainin kita. Oo totoo! Pag ginalit mo ko at sagad na. Kaya kong kumain ng tao. Bigyan mo lang ako ng suka at asin, kakainin ko iyan sa harap nila” sabi ni President Duterte.

Tiniyak ng Pangulo na pulpulbusin niya ng husto ang mga teroristang grupo tulad ng Abu-Sayyaf sa tamang panahon. Inuugnay ang Abu-Sayyaf sa madugong Davao Blast noon Septyembre 2, na kumitil ng 14 na buhay at sumugat sa mahigit na 60 na tao.

“Sige lang! Bomba lang kayo ng bomba. Pagdating ng panahon kakainin ko kayo sa harap ng mga tao. I will devour you and if I have to erase you. Gusto ko pagkatapos walang makatayo ‘dyan ni isa.” dagdag pa ni Presidente Duterte.

O baka isipin niyo cannibal si President Duterte ah!? “Hyperbole” po ang sinabi ni Presidente. Hindi po kailangan gawin literal ang binitawang salita ni Pangulong Duterte. Ibig sabihin in-exaggerate niya ang kanyang sinasabi para magkaroon ng impact ang pinupunto niya.


Loading...

Post a Comment

 
Top