PublicTrending


0



Naghain ng piyansa ang kampo ng self confessed DDS hitman na si Edgar Matobato sa sala ni Judge Silverik Castillo ng Manila-RTC.

Nagkaroon ng komosyon sa Manila City Hall matapos magtungo doon si Edgar Matobato kasama ang kanyang abugado na si  Atty. Jude Sabio.

Ayon sa kanyang abugado, kasalukuyang nagbabayad ito ng P200,000 nang arestuhin ito ng mga police sa kasong frustrated murder.

Nang kausapin, aniya, niya ang mga pulis ay napag-alaman na kautusan ito ni MPD District Director Joel Coronel.

Paglilinaw ni Sabio, nais lamang ni Coronel na matiyak ang kaligtasan ni Matobato dahil hindi hamak na mas ligtas kung sa MPD Headquarters sila mag-antay para sa Release Order mula sa korte.

Loading...

Post a Comment

 
Top