PublicTrending


0

Dinumog ng bashers ang Instagram,account ng "doctor of the stars" na si Vicki Belo.


Ito ay matapos siyang mag-post kahapon, March 22, ng,larawan ng zebras at giraffes sa Calauit Safari Park, sa Busuanga, Palawan.

Caption ni Belo sa larawan: “Can you believe,that this is in the #philippines? These animals were donated to us during,Marcos regime and have lovingly cared for until P-Noy administration.

“Unfortunately, since the Duterte,administration came in, they have been forgotten and have not received any,feeds for a month now.

“Please help save these,beautiful #zebras and #giraffes.”

Ikinagalit ng ilang netizens,ang pagbunton ng sisi ni Belo sa pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpayat,ng mga nasabing hayop.


Kaagad namang binura ni Belo ang,naturang post dahil sa mga galit na komento,sa kanya ng ilang netizens.

Pinalitan niya,ito ng ganitong post:


Ngunit marami ang nakapag-screenshot ng,naunang post ni Belo, kaya kumalat na ito sa social media at nagpatuloy,ang pagbatikos sa kanya.


Isa sa bumatikos kay Belo ay ang,aktres na si Rosanna Roces.

Sa kanyang Facebook, hinamon ni Rosanna,si Belo na siya na lang ang bumili ng feeds para sa mga hayop sa sanctuary park sa Palawan.

Pasaring ng dating sexy star: “Ikaw na bumili ng feeds,mayaman ka naman eh!!! Ako nagpayaman sa ‘yo, remember?”

Dating malapit na magkaibigan sina Belo at,Rosanna ngunit ngayon ay matinding magkaaway dahil sa mga isyung,kinasangkutan nila noon.

Si Rosanna ang isa sa mga,unang endorser ng beauty clinic ni Belo.

Humingi ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal),ng mensahe kay Dra. Belo ngayong hapon, March 23, ngunit,wala pa siyang tugon dito.
source: instagram

Loading...

Post a Comment

 
Top