PublicTrending


0

Matatapang na salita ang ginamit ni former senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa kanyang Facebook post laban sa singer at miyembro ng APO Hiking Society na si Jim Paredes, matapos nitong sitahin at ipahiya ang mga miyembro ng Duterte Youth nitong nakaraang People Power revolution sa EDSA.

Basahin ang buong post ni Bong Revilla:

"Jim Paredes, kahiya-hiya ka. For someone claiming to be pro-freedom and pro-democracy, you sure look like a tyrant! Sa nagmamalaking tagapagtaguyod ng kalayaan at demokrasya ,ikaw ang diktador! Para sa isang nangangalandakan ng pagiging disente, inilabas mo ang napakasahol mong asal.

"The future belongs to the youth, and those youth exercised their freedom to express their beliefs. You stood in their way saying they had no right to do so. Ipinakita mo ang tunay na kaanyuan ninyong mga dilawan. Na sa inyong mga utak, kayo lang ang tama at kung hindi niyo kakampi, dapat ihiya at pagdusahin. Yan nga mismo ang ginawa niyo sa akin. Ganunpaman, hindi ito tungkol sa akin kundi tungkol sa inyo. Alam kong subukan niyo na naman ilihis ang usapan, pero hindi kayo makakaiwas sa katotohanang inilantad ninyo sa lahat. Let’s put this in the proper perspective. Just because you were in EDSA in 1986 and wrote a song for it does not make you an authority of People Power. Hindi kayong mga dilaw ang People Power.

"Ang Pilipino ang People Power. Kayong mga dilaw ang umagaw nito sa mga tao para makinabang at mamunini. Kayo ang nagnakaw ng EDSA sa tao. You ruined EDSA. Kayo ang bumaboy sa People Power, na kitang-kita sa ginawa mo. You do not embody the Filipino. In fact, kahiya-hiya kang matawag na Filipino. You do not embody the Filipino’s dreams, aspirations and ideals. In fact, ikaw ang balakid para makamit ng mga pilipino ang mga hangarin at aspirasyon. Hindi ka nakakatulong. You simply cannot accept that you are no longer relevant; that you can no longer fool the Filipino. Umalis ka na lang at makisalamuha sa mga Kangaroo. Pero baka pati mga Kangaroo, sipain ka rin dahil sa sama ng ugali mo."

Loading...

Post a Comment

 
Top