PublicTrending


0

Napatay na ng mga awtoridad ang leader ng Ansar Al-Khilafah Philippines na si Mohammad Jaafar Sabewang Maguid alyas Tokboy.

Ayon kay PNP Region 12 Director Chief Supt. Cedrick Train, isinagawa ang operasyon laban kay Maguid sa Angel Beach Resort, Brgy. Kitagas, Kiamba, Sarangani Province kaninang umaga.

Narekober aniya mula kay Tokboy Maguid ang dalawang baby armalite, at granada.

Naaresto rin sa isinagawang operasyon ang tatlo pang kasamahan ni Maguid na sina Matahata Dialawe Arboleda, Ismael Sahak alyas Mael, at Morhaban Veloso alyas Bugoy.

Sinasabing lulan ng kulay pulang Toyota Wigo na may temporary plate number 12190176 ang sinasabing mga terorista.

Nabatid na ang pinakahuling ginawang pag-atake ng grupo ay ang paghagis ng granada sa Maasim Sarangani Province noong nakaraang taon na ikinamatay ng ilang pulis at isikasugat ng marami.

Sinasabing si Maguid ay may koneksyon sa Maute group, sympathizer ng Abu Sayyaf at may affiliation sa ISIS.

source: dwiz

Loading...

Post a Comment

 
Top