Pagkatapos makipagpulong ni Presidente Duterte sa mga alkalde sa Malacanang, isusunod naman ng Pangulo ang mga gobernador. Ayon sa Pangulo, hindi dapat maging kumpiyansa ang mga gobernador at baka pulutin ang mga ito sa kakungan!
“ I’d be calling the governors sa next week. Sabihin ko talaga sa kanila, ‘You tell your barangay captains, may supervisory powers kayo and iyong mga cities under you, iyong hindi pa charter cities. You tell the mayors. Reiterate to them. I would like to tell you, hindi ko kaya lecturan lahat ng [mayors]. Huwag kayong maging kumpiyansa sa akin. Pu— Ina mo, papatayin kita! Believe me!” sabi ng Pangulo.
Muli binigyang diin ng Presidente na hindi siya natatakot sa kudeta at handa siya tapusin ang problema sa iligal na droga sa bansa kahit abutin pa ito ng pinakahuling araw ng kanyang termino.
“If I am ousted, I’d glad to go out. Coup d’état? Fine… Pero hindi ako aatras dito. Tatapusin ko ito to the very last day. If it takes me six years, then six years will be it.” dagdag pa ni Pres. Duterte.
source: Public Trending
Post a Comment