PublicTrending


0


Mukhang na-bokya na naman si Senador Trillanes sa pagbubukas ng senado ngayon 2017. Sa botohan para malaman kung sino ang mangunguna sa imbestigasyon sa bribery scandal sa Bureau of Immigration (BI), 14 na senador ang bumoto para pigilan si Trillanes na pangunahan ang nasabing imbestigasyon.



Sa Senate Resolution No.256 na inihain ni Senate President Pro-Tempore Franklin Drilon, iimbestigahan ang suhulang kinasangkutan ng ilang BI officials. Matatandaang tumanggap diumano ng milyong-milyong piso ang ilang BI Officials para palayain ang mga tauhan ni Jack Lam na nago-operate ng iligal na sugalan sa bansa.
Una sa mga tumutol si Senador Migs Zubiri. Ayon kay Zubiri, mas makakabuti raw kung maire-refer ang nasabing senate imbestigation sa committee ni Senator Richard Gordon. Kinuwestiyon naman ni Gordon ang intensyon ng binabalak na senate investigation.
Ito ang mga senador na bumoto para huwag hayaan si Trillanes na pangunahan ang imbestigasyon sa bribery scandal:
  1. Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III,
  2. Senators Zubiri,
  3. Gordon,
  4. Sotto,
  5. Sonny Angara,
  6. Sherwin Gatchalian
  7. Panfilo Lacson
  8. Manny Pacquiao
  9. Grace Poe
  10. Loren Legarda
  11. Nancy Binay
  12. Joel Villanueva
  13. Cynthia Villar
  14. JV Ejercito
Ito naman ang mga bumoto pabor kay Trillanes:
  1. Senators Drilon,
  2. De Lima,
  3. Trillanes,
  4. Risa Hontiveros,
  5. Francis “Kiko” Pangilinan,
  6. Ralph Recto,
  7. Paolo Benigno “Bam” Aquino IV

Loading...

Post a Comment

 
Top