Lusot na sa sub-committee on judicial reforms ng House Justice Committee ang panukalang ibalik muli ang parusang kamatayan.
Batay ito sa anim na panukalang isinumite ng 12 kongresista para muling ibalik ang capital punishment.
Kabilang sa mga naghain ng panukala ay si House Speaker Pantaleon Alvarez, Majority Leader Rodolfo Fariñas, Deputy Speaker Fredinil Castro at Raneo Abu; House Dangerous Drugs Committee chairman Robert Ace Barbers. Dalawang substitute bills ang pinagbotohan ng mga miyembro na dumalo sa naturang pagdinig.
Nakakuha ng anim na boto ang naaprubahang substitute bill na nagsasabing ibabalik lamang ang parusang kamatayan sa mga heinous crimes na nakasaad sa ilalim ng Revised Penal Code.
Limang boto lang naman ang nakuha ng panukala na buyahin muli ang capital punishment sa mga krimen na may kaugnayan sa iligal na droga.
Limang boto lang naman ang nakuha ng panukala na buyahin muli ang capital punishment sa mga krimen na may kaugnayan sa iligal na droga.
Una rito, sinubukan pang harangin nina Albay Rep. Edcel Lagman, Akbayan Rep. Tom Villarin at Buhay Rep. Lito Atienza ang approval ng naturang substitute bill. Sinabi ni Villarin na masyado raw minadali ito ng sub-committee.
Depensa naman ni Castro, mabibigyan ang Kongreso ng mapagpipilian para sa judicial killing sa halip ng nangyayari ngayon na extrajudicial killings na aniya'y hindi naman daw dumadaan sa proseso.
Depensa naman ni Castro, mabibigyan ang Kongreso ng mapagpipilian para sa judicial killing sa halip ng nangyayari ngayon na extrajudicial killings na aniya'y hindi naman daw dumadaan sa proseso.
Gayunman, sunod na iaakyat ang naturang substitute bill sa mother committee bago naman ito tatalakayin sa plenaryo. Magugunita na sinabi kamakailan ni Speaker Alvarez na hangad ng Kamara ang aprubahan ang revival ng death penalty bago pa man ang kanilang Christmas break.
source: dyaryo
Post a Comment