Naku! Maaasar na naman ang mga solid DILAWAN sa balitang ito! Kumakalat kasi ngayon ang isang petisyon para tanggalin ang mga larawan nina Ninoy at Cory Aquino sa 500 peso bill at ipalit ang mukha ni Ex-President Ferdinand Marcos.
Ayon sa petisyon na sinimulan ni Basil Avancado, ang design ng 500 bill na may mukha ni Marcos ay ilalabas na sana noong 1985, pero hindi ito natuloy dahil sa naganap na snap election. Tuluyan na rin inabandona ang disenyo ng pera na may litrato ni Marcos noong maupo sa pagkapangulo si Cory Aquino. Hinihiling ng petisyon sa Bangko Sentral Ng Pilipinas ito dahil sa nangyaring Marcos Burial.
Kung pagmamasdan ang 500 bill na may larawan ni Marcos, mapapansin na kulay green ang color scheme nito kumpara sa kasalukuyan color scheme ng 500 bill na dilaw. Ibang-iba rin ang disensyo ng dalawa bills.
Habang sinusulat ang blog entry na ito nakakalap na ng mahigit 4809 na pirma ang petisyon. Payag ba kayo na alisin ang mga pagmumukha nila Ninoy at Cory Aquino sa 500 peso bill?
source: optimalnewsph
Post a Comment