PublicTrending


0


Noong nakaraang Martes ay nagsagawa ng anti-drug operation ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang condominium unit sa Mandaluyong City.

Nagsilbi ng search warrant ang PDEA Special Enforcement Service bandang alas kwatro ng madaling araw sa isang Jovet Atilano, mas kilala sa alyas na OJ,  sa condo unit nito sa Barangay Malamig, Mandaluyong City.

Nakumpiska ang iba't ibang klase ng ipinagbabawal na droga. Ilan sa mga narekober ay ang ilang piraso ng valium at mogadon na itinuturing na illegal drugs at ang nasa 50 pakete ng ecstasy na may 10 pill bawat pakete na naghahalagang P2,000 kada pill. Tinatayang aabot sa P1-milyon ang nakumpiskang ecstasy. Nakumpiska rin ang ilang sachet ng hinihinalang shabu na nasa 50 grams ang bigat P180,00 ang halaga.


Inamin ni Atilano na dalawang taon na siyang agtutulak ng droga ngunit iginiit na huminto na raw siya 9 na araw lang ang nakakaraan.

Patuloy pa rin ag isinasagawang inventory sa condo unit ni Atilano.

Loading...

Post a Comment

 
Top