PublicTrending


0


Maaari umanong mapalawig hanggang 2025 ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa oras na maisapinal at mapagtibay ang federal form of government sa Pilipinas.

Sa press conference sa Malacañang, sinabi ni Lito Lorenzana, pangulo ng Centrist Democracy Political Institute (CDPI), na batay sa kanilang planong timeline, pangungunahan ng Constitutional Assembly (Con-Ass) o Constitutional Convention (Con-Con) ang pag-amyenda sa Saligang Batas at maaaring mapagtibay sa February 2019 plebiscite.

Ayon kay Lorenzana, pagdating ng May 2022 maisasagawa na ang kauna-unahang parliamentary elections sa ilalim ng bagong Federal Constitution para bubuo ng unicameral parliament na may terminong limang taon o hanggang 2025.

Kaya sa bagong porma ng gobyerno, maaari aniyang ipagpapatuloy ni Pangulong Duterte hanggang 2025 ang kanyang dual presidential role bilang head of state at head of government na siyang mangunguna sa unicameral parliament.


Pero dahil sinasabi raw ni Digong na bababa siya sa puwesto pagdating ng 2022, hahalal ang parliyamento ng bagong pangulo para ipagpapatuloy ang natitirang termino ni Duterte sa ilalim ng federal government.


Pagdating ng 2025, magkakaroon ng second regular parliamentary elections na may limang termino hanggang 2030 at dito magkakaroon na ng bagong Prime Minister at bagong Pangulo ang bansa.
Inihayag ni Lorenzana na kanilang isusumite ang kanilang panukalang amyenda sa 1987 Constitution sa bubuuing 25-man commission ni Pangulong Duterte sa susunod na mga araw.

“To organize the first unicameral parliament under the newly-ratified Constitution with a term of five years up to 2025. Then the incumbent President Duterte, now in a parliamentary form of government in 2022, shall continue — this is very important — shall continue his dual presidential role as head of state and at the same time as head of government leading and presiding over the new unicameral parliament. We need him still there up to 2022. Now, the third stage is May of 2022 when in the old Constitution, he is supposed to step down. The President said he wants to step down. By May 2022, President Duterte steps down as head of state and a new President elected by parliament to serve the remaining term of President Duterte. Or if the people want or then you put that — you provide that in the transitory provisions of the new Constitution that he will still serve up to that year, okay. This is a choice of the people. The fourth stage, from May 2025 to 2030, the second regular parliamentary elections under the new Constitution is held by 2025 with a five-year term to 2030. We then have a new Prime Minister and a new President,” ani Lorenzana.
source: bomboradyo

Loading...

Post a Comment

 
Top