Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na nararapat lamang managot sa batas ang mga sangkot sa umano'y umabuso at sa maling paggamit sa kontrobersiyal na Priority Development Assistance Fund.
Sinabi ng Pangulo sa media interview kahapon sa Malacañang na pakiramdam niya ay naging selective lamang ang mga nakasuhan sa PDAF cases.
“Parang selective yung binira. Criminal action must proceed against all who are responsible,” pahayag ng Pangulo kaugnay sa mga nakasuhan sa PDAF.
Aniya, malaki ang ginampanang papel ng negosyanteng si Janet Napoles sa PDAF scam at para maging state witness ito ay dapat siya ang ‘least guilty’ at hindi siya ang mastermind.
Kumbinsido rin ang Pangulo na dapat lamang mapawalang-sala si Napoles sa illegal detention case nito na ipinataw sa kanya ni Benhur Luy.
Idinagdag ni Duterte, kung siya ang prosecutor sa kaso ni Napoles ay “Hihilingin ko na madismis ang kasong illegal detention laban kay Napoles.”
Watch the video below:
source: Public Trending
Post a Comment