This is awesome because she's just a grade 6 student but her message is so strong to remind every Filipino to unite in our country.
PAKIUSAP NG KABATAAN
By : Joana
PAKIUSAP NG KABATAAN
By : Joana
Ako ay isang Grade 6 student
Na hindi isinilang ng panahon ng ML
Kaya naguguluhan at pilit na inaalam
Tunay na kasaysayan kanilang pinaglalabanan
Sa tulong ng gadget at internet ako ay nagsaliksik
Ito'y aking inunawa sa abot ng aking makakaya
Ako'y nagtanong din sa mga taong di ko kakilala
Dahil sa bias mga journalist at media
Aking napag-alaman tunay na kasaysayan
Legal ang Martial Law na idineklara
Tama, may mga biktima pero sino ang may sala
Si Marcos ba o si Ninoy na nagtraydor sa bansa
Ngunit hindi na ito mahalaga sa akin
Pinangangambahan ko'y aking kinabukasan
Sino sa mga nanunungkulan ang naghahanda
Sa tunay na kapayapaan nitong ating bansa
Pilit kong inuunawa dalawang faction aking nakikita
Pamilya Marcos ang sigaw ay pagkakaisa
Pamilya Aquino at LP sigaw lagi ay protesta
Sino sa inyong dalawa ang para sa amin ay tama
Millennials kung tawagin wala nang ginawa
Takbuhan lagi'y kalsada ng EDSA
Hindi ko maunawaan kung anong mithiin nila
Dibisyon ba o pagkakaisa
Sa salitang common sense at malawak na pang-unawa
Mararamdaman mo ang tunay na nagsasalita
Tumatagos sa puso ang malasakit sa kapwa
Na pagbuklurin ang nahati nating bansa
TAMA NA - SOBRA NA PO
Tigilan na po ang bangayan
Kami naman ay bigyan pansin
Bagong Kabataan nitong inang bayan
Mga Kabataang tulad ko huwag nating tularan
Gawain nila'y walang kabuluhan
Tayo'y magkaisa at gumawa ng magandang kasaysayan
Para ipamana sa susunod na kabataan
Pakiusap ko sa mga nanunungkulan ay PAGMALASAKITAN
Na kami'y bigyan ng magandang KINABUKASAN
Panalangin ko naman ay KAPAYAPAAN
Na sa aming paglaki ito nawa'y MAKAMTAN
source: Public Trending
Post a Comment