PublicTrending


0



Nagkusa na mismo ang Pangulong Rodrigo Duterte na ilahad ang kanyang medical record o kalagayan ng kalusugan. Magugunitang marami ang nakakapansing palagi nitong pinipindot ang likuran ng kanyang tenga at hindi pagsipot sa ilang okasyon dahil sa migraine o matinding pananakit ng ulo. Sinabi ni Pangulong Duterte kagabi, totoong matindi ang kanyang migraine kaya minsan hindi siya nakakatulog at may problema rin siya sa spinal o gulugod dahil sa pagkakabagsak noon sa sahig habang natutulog.


Ayon kay Pangulong Duterte, mayroon din siyang Buerger’s disease, isang bihirang sakit kung saan nagkakaroon ng pamamaga sa mga ugat sa kamay o binti. Ang nasabing sakit ay nakukuha sa paninigarilyo at maging ng alak dahil pinapasikip ng nicotine o alcohol ang mga ugat o blood vessels kaya hindi makadaloy ng maayos ang dugo. Kaugnay sa kanyang spinal problem, matagal na siyang hinihikayat ng kanyang doktor na sumailalim sa operasyon pero hindi pumapayag ang common-law wife na si Honeylet dahil marami ng ganung operasyon sa US na nagkamali o hindi naging matagumpay.


Masyado raw delikado ang nasabing operasyon at konting pagkakamali lang sa nerve o litid ay maaari na nitong ikamatay o ikaparalisa. Kaya dati raw umiinom siya ngayon ng fentanyl, isang malakas na 'pain reliever' at karaniwang iniinom ng mga cancer patients. Pero pinatigil ng kanyang doktor dahil maaaring mawala ang kanyang 'cognitive ability' o kakayahang makaalala, makapag-isip, makabasa at iba pang prosesong may kinalaman ang utak.


"And if you are noticing it, he said, because you are, you know, abusing the drug. Take, use it but I have a pain also with the…I have a Barrett, it’s a (inaudible) thing, the GERD, they call it. And I have might as well tell you about my medical history. Don’t believe in cancer. What I have is really Buerger’s disease. It’s an acquired thing that you get from smoking because of nicotine. Nicotine constricts the vessel. Alcohol dilates the vessel," ani Pangulong Duterte. "You can lose your…Just like diabetes, you can lose your pants and even your thing there, doctor said, you’ll lose it forever. Yeah, yeah. It’s blood. It’s either it’s filled with blood or there is nothing to pass it all there because it’s all constricted. Something about Buerger’s disease, you just stop smoking especially guys with cold hands, they are prone to --- if you smoke you are prone to…It means to say that your whole system is not really working well because of blood circulation. But back to this thing about…"
source: pinoyarticle

Loading...

Post a Comment

 
Top