Lumalakas na ng lumalakas ang sigaw ng mga netizens para i-cover ng mga mainstream media ang kontrobersyal na #LeniLeaks. Ang #LeniLeaks ay naglalaman ng mga emails ng mga taga-suporta ni VP Leni Robredo at ng kanyang opisina kung paano sisirain ang imahe ni Pangulong Duterte at mga supporters nito. Nakapaloob rin sa #LeniLeaks kung paano ika-counter ang negatibong isyu tungkol kay VP Leni.
Nagtatanong ang mga netizens bakit wala man lang mainstream media na nagko-cover sa iskandalong kinasasangkutan ni Robredo, samatalang ang pekeng 300,000 cheque na ibinayad diumano kay Mocha Uson ay pinatulan ng mga ito.
Ayon sa artikulong inilathala ng influential na political analyst/blogger na si ThinkingPinoy, may ilang miyembro ng media na sangkot sa #LeniLeaks Scandal. Kasama sa pinangalanan ni ThinkingPinoy ay sina Ted Laguatan ng Inquirer at Gene Alcantara ng ABS-CBN.
Ipinost na rin ng dating DILG Secretary Rafael Alunan ang mga kontrobersiyal na email conversations kanyang Facebook wall. Makikita sa conversations ang maiitim na balak ng mga kumakalaban sa gobyerno.
source: Public Trending
Post a Comment