MANILA, Philippines – Hawak na ng Philippine National Police (PNP) ang ‘blue book’ na naglalaman ng mga pangalan ng ilang mga pulitiko at pulis na tumatanggap ng ‘payola’ mula sa number 1 drug lord ng Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa at ng kaniyang ama na si Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr.
Sinabi ni Chief Inspector Jovi Espinido, Chief of Police ng bayan ng Albuera ang nasabing ‘blue book’ na kanilang isinumite sa PNP ay nakuha nila sa raid sa bahay ng mga Espinosa kamakailan kung saan nasamsam ang P88M shabu at mga kemikal gayundin ang mga matataas na kalibre ng armas.
Nabatid na kasalukuyan nang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon laban sa mga pulitiko sa Eastern Visayas at mga pulis na umano’y nasa blue book.
Samantala kabilang rin sa nakuhang ebidensya sa raid sa bahay ng mga Espinosa ay ilang piraso ng tseke at rehistro ng mga sasakyan.
Sinasabing ilang mga tiwaling pulitiko rin umano ang tumatanggap ng mga mamahaling kotse mula sa mga Espinosa kapalit ng proteksyon sa illegal drug trade ni Kerwin.
Ang naturang ‘blue book’ ay nakatakda ring isinumite kay Pangulong Rodrigo Duterte na siya na umanong may desisyon kung pangangalanan ito sa publiko.
Sa kasalukuyan, patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa mga awtoridad sa Malaysia upang maaresto si Kerwin na umano’y nagtatago sa nasabing bansa.

source: philstar
Post a Comment