PublicTrending


0

Ayon kay Bureau of Correction Officer-in-Charge PCSupt. Rolando Asuncio, may muntik nang ma-rape na 8-anyos na batang babae sa isang simbahan sa loob ng New Bilibid Prison (NBP,) kaya mahigpit nang ipinagbabawal ang pagdadala ng mga bata sa kulungan ng mga dalaw.
“Mayroon na kasing instance doon na ano eh, na sa isang lugar doon, ano pa man din ‘yon, simbahan pa man din, may muntik ma-rape na 8-yr old na bata.” sabi ni Asuncion.
Simula noong dineploy ang Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) sa NBP, naging matindi na ang ginagawang inspeksyon sa mga dalaw ng mga inmates. Ayon sa ulat ng GMA News, pinaghuhubad ang mga dalaw para matiyak na walang kontrabandong naipupuslit ang mga ito. Pinasinungalingan din ni Asuncion ang mga tisismis na nangungurakot ang mga miyembro ng PNP-SAF sa mga preso.

Hindi raw totoo na kinukuha ng otoridad ang pera ng mga inmates. Kinukumpiska lang raw ito at inilalagay sa cashier dahil bawal magkaroon ang mga bilanggo ng pera na lalagpas sa 5000. GInagawa raw ito para masawata ang iligal na transaksyon sa piitan.
“Yung sobra doon talagang hindi namin ibinabalik kasi inilalagay namin sa aming cashier. Paglaya nila, o kaya in-authorize nila ‘yung kamag-anak nila na kuhain ‘yung pera, e binibigay naman namin” dagdag ni Asuncion.

Loading...

Post a Comment

 
Top