Kinilala ang suspek na si Arjay Avila alyas “Sakristan,” 27, sa grotto ng Christ the King Parish sa Barangay Palestina noong Sabado.
Ayon kay police Chief Inspector Chito Oyardo, tatlong sachet ng shabu ang nakuha kay Avila. Itinapon umano ng suspek ang 2 sa mga sachet nang matunugan na pulis ang kaniyang ka-transaksyon.
“Sampung taon na itong ampon ni father sa Christ the King. Nagkabilihan sa grotto. Ayun hinuli na,” ani Oyardo.
Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek.
Nagtapos ang suspek sa pagiging marinero, sa tulong ng simbahan.
Pero paglilinaw ni Father Danilo Vargas, hindi sakristan mayor o naging sakristan ng simbahan ang suspek.
Sa Maynila na ito nakatira, pero nagpupunta sa simbahan para bisitahin ang kapatid na pinapaaral ng pari.
“Hindi siya sakristan dito. Hindi namin siya naging sakristan. Na- stay siya noon sa mother ko sa Peñafrancia pero nakatapos na rin siya sa Mariners (Mariners Polytechnic Colleges), seaman.” ani Fr. Vargas, na labis na ikinagulat ang pangyayari.
Hindi umano niya alam na dawit ang suspek sa iligal na droga.
Naniniwala naman ang kapatid ng suspek na frame-up an nangyari sa kaniyang kapatid.
Sa eksaminasyon ng Camarines Sur crime laboratory, positibong shabu ang laman ng nakuhang 3 sachet kay Avila.
Naisampa na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.

source: theviralnewsph
Post a Comment