Ayon sa report ng GMA News, nakumpiska ng mga otoridad ang mga piyesa ng mga baril na ini-smuggle papasok sa bansa. Nakakahalaga raw ang mga ito ng mga mahigit 4 na milyong piso. Puwede umano makabuo ng 100 m-16 automatic rifles ang mga piyesa ng baril na nasabat.
Kinilala ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga suspek na sina Bryan Ta-ala at Wilford Palma. Itinuro ni Palma si Ta-ala na siya umanong mastermind sa planong pagpaslang sa Presidente. Ayon kay Palma, narinig niya raw ang usapan ni Ta-ala at ng customer na gagamitin raw ang mga baril upang iligpit ang Presidente ng Pilipinas.
Ayon naman sa spokesperson ng Pangulo, hindi raw natitinag ang Presidente sa mga pagbabanta sa kanyang buhay dahil inaalmusal niya lang raw ang mga “death threats”.
source: Public Trending
Post a Comment