Dalawang dating staff ni Senator Leila de Lima sa Department of Justice (DOJ) ang kabilang sa mga testigo na lumutang laban sa senadora kaugnay sa sinasabing pagkakasangkot nito sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).
Base sa eksklusibong ulat ng The Philippine STAR, pawang nagbigay na ng kanilang affidavits sina Jong Caranto at Bogs Obuyes, kapwa clerk ng tanggapan ng kalihim ng DOJ, kung saan tumatayo pa noong Justice secretary si de Lima.

Sinasabi sa kanilang salaysay na inutusan sila ni de Lima na magdeposito ng milyun-milyong piso sa isang bank account na hindi sa pangalan ng dating kalihim.
sa report din ng The Philippine STAR nagtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang testigo at sumailalim na sa lie detector test.
Bukod kina Caranto at Obuyes, isang inmate na nakilala lamang sa pangalang Melvin ng Malabon City ang nagsumite na rin ng kanyang sworn statement sa DOJ na nagtuturo kay de Lima na sangkot sa drug operations ng mga convicted drug lords habang nasa loob ng penitentiary sa Muntinlupa City.
Kinumpimra ni Justice Secretary Vitallano Aguirre na may anim na testigong lumutang upang idiin si de Lima para sa posibleng drug at graft charges.

source: philstar
Post a Comment